Tuesday, February 26, 2008

MGA ANAK NG PILIPINAS

Ako’y taga-Luson, ikaw ay Bisaya
Saka siya nama’y sa Mindanaw mula,
Magkakaiba man sa ugali’t wika
Tayo ay iisa sa puso at diwa.

Iisa ang ating bayan at watawat
Mga anak tayo nitong Pilipinas:
Kaya nga halina at magyakap-yakap
Sa isang damdamin at isang pangarap.

R. Alejandro

No comments: