Wednesday, April 6, 2011

TINIG NG KINABUKASAN

TINIG NG KINABUKASAN"
Ni: Ma. Oliva B. Medina (L.L.N.)

Sa Sinapupunan pa lang, akin nang nadarama,
Nanganganib na mundo'y masilayan pa kaya?
Kung sa bawat paghinga nang ina kong sinisinta,
Ay maitim na usok, nilalanghap niya.

Ang pagkaing ipinapasok sa katawan kong mura,
May mga kemikal na nakakasira
Di ba"t lubhang mahalaga, pag-ingatan mo ina
Upang sa pagsilang akin nang Makita
Isang mundong payapa, at kaaya-aya.

Nais kong malanghap ay hanging sariwa
Umakyat sa punong sadyang namumunga
Maglangoy sa ilog na maraming isda
Hindi ang nabubulok at mabahong basura.

Tinig ko'y dinggin mo
Magmalasakit naman kayo
Pagkat dito'y nakalaan tagumpay ng bukas ko,
Batang matalino, malusog at bibo
Kung yan ang nais nyo, mundo ko'y ingatan mo.